A New World Order  
  Bible Prophecies
 
ARTICLES
RESOURCES
FOR YOU
SHORT STUDIES
SUBSCRIBE TO OUR UPDATES
Nature Power
 Back
a New World Order Send to a Friend Worlds Last Chance Print
Read it in the following languages 
FONT SIZE
 
Upang lubos na maunawaan and artikulong ito, aming ipinapayo na basahin ang artikulong World's Last Chance .
Inihahayag ng Hula sa Biblia
Ang Susunod At Panghuling Papa
ay magiging
Diablo na magpapanggap na John Paul II
 

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Apocalipsis kapitulo 17, inakay tayo ng Panginoon sa pinaka-nakakatakot na katotohanan, nagpapatunay na tayo ay nalalapit na sa katapusan ng lahat ng mga bagay kaysa sa ating iniisip. Kami ay kinilos ng ating maibiging Dios upang ibahagi ang hulang ito, upang walang sinumang madaya ng pangsanlibutang mga kaganapan na malapit nang mahayag at babalot sa sanlibutan sa pinaka-engradeng daya na gawa ni Satanas.

Ang World's Last Chance ay walang takot na ihayag ang kahulugang ito sa sanlibutan sapagkat kami ay nanghahawak lamang sa tamang pakahulugan ng Biblia. Nangangahulugan ito na aming inihahayag ang hula ng Biblia sa pamamagitan ng paggamit ng Biblia bilang siyang tagapagpaliwanag. Sa ganitong paraan kami ay nakatitiyak sa pagiging tama ng kapahayagan.

ISa artikulong ito:

Dahil sa malinaw na pagka-unawa na tayo ay nabubuhay sa panahong bago ang pagdating ni Kristo sa mga alapaap ng langit, aming dalangin na kilusin ka sa kaiklian ng panahon na natitira bago ang kapalaran ng bawat tao ay mapagpasiyahan, at ang Kaniya nawang Espiritu ay magbigay sa iyo ng pagkaunawa at talino na kinakailangan sa pagsusuri ng taimtim na pag-aaral na ito. AMEN.


APOCALIPSIS 17

1. Aling bahagi ng Biblia ang umakay sa’yo upang maabot ang kunklosyong ito?

"At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig; 2 Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. 3 At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. 4 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid, 5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.6 At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.7 At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. 8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.9 Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:10 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. 11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan. 12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.13 Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.” Apocalipsis 17:1-18

2. Magbigay ng maikling paliwanag sa lahat ng ito.

Sa pagpapaikli, ipinakita kay Juan ang kahatulan ng dakilang patutot dahil sa kaniyang sariling gawa. Ang dakilang patutot na ito, na siyang tinutukoy na dakilang Babilonia, ay ipinakita kay Juan sa ilang (v. 3). Ito ay isang mahalagang tanawin, na makikita sa mga susunod.

Ang paglalarawan sa patutot ay katulad sa unang hayop ng Apocalipsis 13 na mayroon ding pitong ulo at sampung sungay(b. 7) na nagpapahiwatig na ang parehong simbolo ay kumakatawan sa parehong bagay - na makapapang sistema ng Romano Katoliko. Maliban dito, ang patutot ay isinalarawan na nakaupo sa pitong bundok(b. 9). Ang Roma ay madalas na nakikilala bilang Lungsod sa Pitong Burol, mula sa panahong klasiko hanggang sa panahong kasalukuyan.

Samantalang sa Apocalipsis 13 ang pagkakaisa ng simbahan at ng estado ay bumagay sa iisang simbolo, sa Apocalipsis 17 isinalarawan sila ng Dios na magkahiwalay. Sa Biblia ang babae ay laging sumisimbolo sa iglesia, sa bagay na ito ang patutot - isang di-dalisay na iglesia. At ang hayop ay laging sumisimbolo sa kaharian o estado na umuusig sa bayan ng Dios. Sa gayon tayo ay may di-dalisay na babae na nakaupo (nagpapatakbo) sa hayop (estado) na pula (duguan). Ito ay muling nagpapalakas sa katotohanan na ang sistemang Katoliko na natatanging sistema na isang iglesia at makasanlibutang kaharian sa parehong panahon. Ang patutot na ito ay isinalarawan bilang napakayaman, mapagmataas, at higit sa lahat, napaka bulok (b. 4, 5). Katunayan ito ay kumakatawan sa panghuling kataas-taasang kasangkapan ni Satanas sa pandaraya.

Ang sumusunod na mga bersikulo ay susing talata: “At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.” Apocalipsis 17:10-11. Niliwanag ng Dios ang pitong ulo ng hayop, na mga kinilala bilang pitong hari. Napakahalaga, na ang pangitain ay nakita sa panahon ng paghahari ng ika-anim na hari. Siya ay susundan ng ika-pitong hari, na maghahari ng kaunting panahon. Ganunpaman, ang ika-walong hari ay magiging isa sa mga naunang pitong hari, ngunit iyan ay sa panahong siya ay magpapakita galing sa kalaliman (b. 8), hindi lamang siya magiging hari (namamahalang kapangyarihan) kundi isang hayop (mang-uusig na kapangyarihan); sa katapusan, siya ay patungo sa kapahamakan.

Kung ang isa sa pitong hari ay muling mahayag mula sa kalaliman bilang ika-walong hari ngunit sa anyong hayop, ang sampung hari ng lupa (b. 12) (ang sampu ay nangangahulugang lahat, bilang na pangkabuuan na nagpapahiwatig na dito ay napapaloob ang lahat ng namumuno sa lupa; cf. talinhaga ng sampung dalaga) at lubhang matatakop ng hayop, at kusang magpapasakop ng kanilang kapangyarihan sa hayop sa maikling panahon (b.12,13). Ang hayop at ang sampung hari ay parehong mamamahala at makikipagdigma laban kay Kristo sa katauhan ng Kaniyang mga taga-sunod sa maikling panahon, ngunit hindi makakapanagumpay laban sa kanila (b. 14).

Bago ang pagtatapos ng lahat ng mga bagay, matutuklasan ng sampung hari na sila ay nasilo at nadaya ng hayop (ang ika-pitong hari mula sa kalaliman) at sila’y babalik na may ganti laban sa sistema ng hayop, at kanila itong wawasakin (b.16). Sapagkat gagawin nila sa panahong ito, bagaman huli na, ang kalooban ng Dios (b.17).

Last Day of World

ANG KALAGAYAN SA ILANG

3. Ang dakilang patutot na nakaupo sa hayop ay natanaw sa ilang (Apoc. 17:3).

Ito ay mahalaga hindi dahil sa nagkataon na ang "dakilang patutot na nakaupo sa pulang hayop" ay nakita sa ilang. Sa Apocalipsis 17, ipinakikita ng Dios ang panahon na ang Simbahang Romano Katoliko ay natanaw. Upang maunawaan kung ano ang mangyayari pag siya ay lumabas sa kaniyang karanasan sa ilang, kailangan nating maunawaan kung papaanong ang Simbahang Romano Katoliko ay nakapasok sa karanasang ito sa ilang.

4. Ano ang kahulugan ng ilang sa hula sa Biblia?

Sa aklat ng Apocalipsis tayo ay may isa pang halimbawa ng iglesia na naparoon sa ilang. Ito ay ang tunay na iglesia ng Dios sa panahon ng Middle Ages, nang ang iglesia ay napailalim sa pag-uusig ng kapapahan: “At tumakas ang babae (iglesia) sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampunin sa loob ng isang libo dalawang daan at anim na pung araw.”Rev 12:6. Alam natin na ang iglesiang ito ay dalisay, sapagkat ang Dios ang umakay sa kaniya sa ilang, palayo mula sa pag-uusig ng kapapahan na nagalit sa loob ng 1260 mga taon mula noong 538 A.D. hanggang 1798 A.D. Ang dragon ( si Satanas) ay nakipag-alitan laban sa iglesia sa panahong ito, na ginagamit ang makalupang kasangkapan, ang Simbahang Romano Katoliko: "At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon."Rev 12:14. Kaya nga sa hula ng Biblia, ang ilang noong unang panahon ay isang tayutay na naglalarawan ng malupit na kalagayan na humaharap sa iglesia sa isang particular na panahon sa kaniyang kasaysayan.

5. Kailan lumabas sa kaniyang kasaysayan sa ilang ang tunay na iglesia ng Dios?

Ang makatuwirang kasagutan sa tanong na ito ay, nang magtapos ang pag-uusig ng kapapahan. Ito ay opisyal na nangyari noong1798, nang suguin ni Napoleon Bonaparte si Heneral Berthier sa Roma kung saan kaniyang ipinatapon si Pope Pius VI sa Valence sa Pransya. Sa panahon ding yaon, inihayag ni Berthier ang katapusan ng pansanlibutang kapangyarihan sa Europa na tinamasa ng simbahang Katoliko hanggang sa panahong yaon. Ito ay pinaka-kahiyahiya at biglaang katapusan ng mahabang pamamahala sa kapangyarihan na tumagal ng 1260 mga taon. Pagkatapos nito, Ang Christian Bible Societies ay kumalat sa buong mundo, na walang pumipigil sa kanilang gawain o banta ng pagbabawal ng kapapahan. Sa gayon, ang taong 1798 ang siyang naging tanda sa panahon na tinapos ng iglesia ng Dios ang kaniyang karanasan sa ilang. Sa ngayon ang iglesia ng Dios ay lubos na malaya na ituon ang kaniyang lakas sa pagsasalin at paglilimbag ng Biblia sa maraming wika at gumawa ng gawaing misyonero sa buong sanlibutan.

6. Nagkroon din ba ng karanasan sa ilang ang Simbahang Katoliko katulad ng tunay na iglesia ng Dios?

Ito ang tumpak na usapin. Noong 1798 hindi lamang nawala sa Simbahang Katoliko ang kaniyang pansanlibutang kapangyarihan sa mga hari, duke, at mga prinsipe sa Europa, sa katotohanan ay nawala sa kaniya ang karapatan na ipagpatuloy ang kaniyang karapatan sa simbahan, tulad ng pagpili ng papa upang humalili kay Pius VI. Ang kaniyang mga kinatawan ay nangangailangan ng pahintulot ni Napoleon Bonaparte bago sila makapag-hirang kay Pius VII noong 1800 upang humalili sa papa na namatay sa pagkabihag, isang taon na ang nakaraan.

Maliban dito, ang karanasan sa ilang para sa Simbahang Katoliko ay nagdala sa kaniya sa pinaka malalim na daan mula sa isang lubos na di-inaasahang patutunguhan –sa sarili nitong bakuran, sa Italya. Dito ang kalagayan para sa malupit at tigang na katotohanan ng buhay na hinarap ng Simbahang Katoliko sa Italya noong ika-siyamnapung siglo.

Pagkatapos ng ikalawa at panghuling pagkatalo ni Napoleon noong 1815, Natagpuan ng mga Italyano ang kanilag peninsula na hati sa mga estado, duchies, at mga Estado ng Kapapahan. Si Metternich, ang malakas na pinuno ng Austria noong panahong yaon, ay sanay na tawagin ang Italya bilang pangkaraniwang ‘heograpiyang pananalita’ na sumisinag sa kawalan ng nagkakaisang bansa. Ang naiibang kalagayang ito ang nagpabangon ng pangkalahatang pagsisikap na pag-isahin ang Italya sa pagiging isang bansa. Gayon man, ang mga pagsusumikap na ito ay humarap sa malaking hinala at paglaban mula sa Simbahang Katoliko. Sa paglipas ng panahon, lumago ang pagnanais sa kaisipan ng mga nationalistic leaders na ang Simbahang Katoliko ay lubos na hadlang para sa katuparan ng kanilang layuning pangnasyonal.

Gayon man, ang pagkilos upang pagkaisahin ang Italya at magbuo ng nagkakaisang bansa ay nakapasa sa isang mahalagang panukala nang ang Estado ng Kapapahan ay maagaw noong 1860 sa pamamagitan ng lakas. Mayroon pang natitirang isang pangunahing hadlang, gayunpaman, ito ay para sa pagbuo ng isang bansang Italyano. Nais ng mga Italyano na ang Roma, ang luklukan ng Simbahang Romano Katoliko at ang huling bahagi ng natirang pag-aari para sa Simbahan, upang magsilbing kapitolyo ng kanilang nagkakaisang bansa. Ang pagnanais na ito ay dumating nang ang mga tropa ng mga Italyano ay umukopa sa Roma noong Setyembre 20, 1870, sa panahon ng pamamahala ni Pope Pius IX. Pagkatapos nito, ang kaharian ng Italya ay idineklara.

Ayon sa inaasahan, tinanggihan ng papa na kilalanin ang bagong kaharian at nag kusang loob na nagpabihag bilang di-pagsang-ayon. Ang hindi pangkaraniwang kalagayang ito ay nahayag sa kasaysayan bilang Katanungan ng Romano. Ito ay nanatiling di-napapagpasiyahan sa loob ng 59 na mga taon, sa panahong yaon ang lahat ng mga humahaliling mga papa ay nagkasiya sa kanilang mga sarili sa kilusan sa loob ng iilang mga gusali sa Vatican sa Roma, na tumatangging umalis sa Roma. Sa katunayan, ang Simbahang Katoliko noong ika-siyamnapung siglo ay nabalot sa napaka masalimuot na kalagayan sa ilang.

Sa pagpapaikli: ating nakita na mula noong 1798 (nang si Pope Pius VI ay ipinatapon sa Valence sa pamamagitan ng Heneral ng mga Pranses) hanggang 1870 (nang ang Roma ay maagaw sa pamamagitan ng hukbo ng Italya), ang Simbahang Romano Katoliko ay napatibay sa kaniyang karanasan sa ilang- malayo sa kalagayang hayop na namamahala na tinamasa niya sa panahon ng kaniyang 1260 na mga taon ng kapangyarihan noong siya pa ay mang-uusig na kapangyarihang pangsanlibutan direkta o sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang impluwensiya sa mga pinuno sa Europa na naging dahilan ng kamatayan ng halos isang daang milyong mga tapat na taga-sunod ng Dios.

7. Papaanong ang Katanungang Romano sa pagitan ng Italya at Simbahang Romano Katoliko ay naiayos noong taong 1929?

Para sa isang Romanong Pontipiko mahirap maunawaan na maging ulo ng mga Katoliko sa buong mundo, na sa kaniyang sariling bansa ay sakop ng ibang pinuno ng estado. Sinasampalatayanan ng Simbahang Katoliko na sa pamamagitan ng pagkatawag sa kaniya, ang papa ay may isang lubos na karapatan sa pangsanlibutang pamamahala. Sa pamamagitan lamang nito siya makakapag pasulong ng lubos at walang hadlang sa kaniyang mga tungkulin bilang puno ng pang buong mundong Simbahan ng Katoliko. Ngunit ang pagnanais na ito ay laban sa natural na kagustuhan ng mga Italyano para sa nagkakaisang bansa na ang Roma ang kaniyang kapitolyo. Natagpuan ng mga Italyano pagkatapos noong taong 1870 ang kanilang mga sarili na nagdudusa sa pagitan ng kanilang katapatan sa Simbahang Katoliko bilang mga Katoliko, at sa kanilang katapatan sa bagong tatag na bansa. Ang di-naayos na igtingang ito sa pagitan ng dalawang bahagi ay sumira sa bagong bansang pangbuong mundo ganun din sa pangnasyonal. Ang solusyon para sa Katanungang Romano ay dapat na matagpuan!

Ang magkabilang panig sa labanan ay nagnanais para sa katapusan ng nagpapatuloy na suliranin. Noong taong 1922, si Benito Mussolini, ang Duke, at si Pope Pius XI ay umupo sa kapangyarihan. At noong taong 1929 kanilang natagpuan sa wakas ang solusyon para sa mahirap na Katanungang Romano na tumagal ng 59 na mga taon. Noong Pebrero 11, 1929, tatlong katipunan ng mga dokumento, na kinilalang magkakasama bilang Lateran Accords, ay pinirmahan sa Roma sa Lateran Palace ni Cardinal Gasparri, na kumakatawan kay Pope Pius XI, at si Mussolini, na kumakatawan kay haring Victor Emanuel III.

8. Magbigay ng pagpapaikli ng mga pangunahing kaganapan noong 1929 Lateran Treaty sa pagitan ng Italya at ng Simbahang Katoliko sa Roma.

  1. Kinilala ng Estadong Italyano ang pamamahala ng Simbahang Katoliko, at itinuring ang simbahan bilang malayang kaanib ng pangbuong mundong kumunidad. Sa kasunduang ito ang simbahan ay nakakuha ng malayang estado sa Roma na may sukat na mga 44 na ektarya.
  2. Kinilala ng Estadong Italyano ang Simbahang Romano Katoliko bilang opisyal na relihiyon ng estado, at kinilala ng simbahang Katoliko ang malayang Kaharian ng Italya.
  3. Ang lahat ng mga kautusang anti-klerikal na ipinasa ng batasang Italyano mula noong taong 1870 ay pinawalang bisa.
  4. Ginawa ang pag-aayos sa salapi para sa Simbahang Romano Katoliko upang siya’y mabayaran para sa pagsuko ng lahat na ligal na pag-aangkin sa Lungsod ng Roma at sa mga dating Estado ng Kapapahan.
  5. Nangako ang papa na walang kikilingan sa pansanlibutang mga ugnayan, at huwag mamagitan sa anumang kaguluhan maliban na sadyang hiniling ng lahat ng partidong kalahok.

9.Ano ang kahalagahan ng Lateran Treaty noong taong 1929 sa karanasan sa ilang ng Simbahang Romano Katoliko kung saan naroon siya mula noong 1798?

Anuman ang natamo ng Simbahang Romano Katoliko noong 1929 ito ay ang kaniyang kalayaan at pamamahala. Ang kahulugan ng independenteng pulitikal ay mayroon na silang kapamahalaan ngayon, bagaman higit na pinaliit na lugar, kung saan ang papa ang pinaka pangulo. Ang papa ngayon ay hindi lamang kataas-taasang pangulo ng Simbahang Katoliko sa buong mundo, kundi isa ring hindi matututulang haring pangsanlibutan sa Estado ng Lungsod ng Vatican. Siya ay hindi na bilangong binihag.

Gayunpaman, hindi nagawa ng Simbahang Romano Katoliko, noong taong 1929, kahit kaunti na muling mabawi ang kalagayang taglay niya bago ang taong 1798, noong siya pa ay nasa kapangyarihang hayop. Sa gayon, hindi niya nagawa, noong 1929, na makalabas sa kaniyang karanasan sa ilang. Bagaman noong taong 1929, at sa kabutihan ng Lateran Treaty, ngayon ang mga papa ay kinilala pangbuong sanlibutan bilang kataas-taasang hari, bagaman pinagtibay ng Lateran Treaty na ang mga papa ay dapat na mangako ng pang walang hanggang di-pagpanig sa pang sanlibutang mga gawain. Ang paghihigpit na kalagayang ito ay halos di maisip na sasang-ayunan ng sinumang papa bago ang taong 1798. Sinasampalatayanan ng Simbahang Romano Katoliko na si Kristo ay Panginoon ng buong Sanlibutan, at sa Kaniyang pag-alis Kaniyang iniwan ang kapamahalaan sa Kaniyang kinatawan, si Pedro, at sa mga kahahili niya, ang mga papa. Kaya nga, ito ang ipinahayag na katatayuan ng Simbahang Katoliko na totoo at tunay na kapangyarihang pangsanlibutan at kapamahalaang nakalaan lamang sa mga kamay ng papa. Kaya, bawat pinuno ng sanlibutan o hari ay magtataglay lamang ng ganung kapangyarihan at lugar kung ipalagay ng papa na angkop at mabuti.

Sa kabuoan, bagaman hayag na natamo ang katiyakan para sa Simbahang Katoliko sa Lateran Treaty, hindi naibalik nito ang unang-kapamahalaan at kapangyarihan na tinamasa ng Simbahan pansanlibutan hanggang sa taong 1798, upang kaniyang mausig ang kaniyang mga kaaway, kaya nga tinandaan sa hula sa Biblia bilang kapangyarihang makahayop. Sa gayon, walang higit na kahalagahan ang Lateran Treaty noong taong 1929 sa karanasan sa ilang ng Simbahang Romano Katoliko, sapagkat siya ay nananatili pa rin sa ilang, kahit pagkaraan ng taong 1929.

PITONG HARI

10. Ano ang tungkol sa pitong hari ng Simbahang Romano Katoliko sa loob ng kaniyang panahon sa ilang?

Ngayon tayo ay dumating na sa pinaka mahalagang bahagi ng buong kapitulo. Inihula ng Dios na mayroon lamang pitong hari: "At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon."Apocalipsis 17:10. Mula sa talatang ito ang mga sumusunod na katotohanan ay mabubuo:

  1. Pitong hari sa kabuoan.
  2. Si Juan ay dinala sa pangitain sa panahon ng ika-anim na hari: “lima ay nanga buwal, ang isa'y narito.” Siya ay dumating pagkaraan na ang unang lima ay nangabuwal na. Muli, ito ay hindi nagkataon na dinala sa pangitain, si Juan ay dinala sa panahon ng ika-anim na hari. Ito ay banal na pahiwatig na kung saan tayo ay ginagabayan ng Dios upang ituon ang ating pansin sa katangi-tanging haring ito, sapagkat siya ay gaganap ng napakahalagang papel sa mga pangyayari sa wakas ng panahon.
  3. Ang ika-pitong hari “ay dapat magtagal ng sandaling panahon.”

11.Kung magkagayon sino ang pitong mga hari/papa?

Si Pius XI ang unang papa na Romano Katoliko (mula noong Pebrero 6, 1922) na naging hari rin noong Pebrero 11, 1929. Siya, kasama ni Mussolini, ang bumalangkas ng Lateran Treaty.

Revelation 13

12.Ano ang inaasahang mangyayari pagkatapos ng hinulaang maikling panahon ng paghahari ni Benedict XVI?

"At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.” Apocalipsis 17:11. Dito, ating malalaman ang mga sumusunod:

  1. Ang Simbahang Romano Katoliko ay dating hayop (hanggang sa taong 1798), ngunit ngayon ay hindi na (sapagkat siya ay nasa karanasan sa ilang mula noong 1798); kaya nga, muli niyang babawiin ang kalagayang hayop (nangangahulugan na siya ay lalabas sa kaniyang karanasan sa ilang) pagkatapos ng pagbagsak ng ika-pitong hari, si Benedict XVI.
  2. Ang susunod na darating pagkatapos ni Benedict XVI ay magiging isa sa ibang pitong hari. Ngunit hindi na siya muling kikilalanin bilang hari lamang, kundi isang hayop din; sapagkat sa kaniya ay muling mababawi ng Simbahang Romano Katoliko ang kaniyang dating kapangyarihan upang usigin ang kaniyang mga kaaway.
  3. Ang ika-walo, kapag siya’y dumating, ay magiging panghuli; sapagkat siya ay “patungo sa kapahamakan.”

ANG IKA-WALONG HARI

13. Sino ang ika-walo na muling magbabalik sa kalagayang hayop sa Simbahang Romano Katoliko?

Upang sagutin ang katanungang ito, dapat muna nating pag-ukulan ng pansin ang pinagmulan ng ika-walo: “At ang hayop na nakita mo ay naging siya (Ang Simbahang Katoliko nang dati ay nasa kalagayang hayop hanggang 1798) at wala na (sa loob ng panahon ng kaniyang karanasang sa ilang), at malapit nang umahon (pagkaraan ng pagkabagsak ni Benedict XVI, ibabalik ng ika-walo ang kaniyang kalagayang hayop) sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan.” Apocalipsis 17:8.

Mula sa talatang ito makakapagpasiya tayo sa mga sumusunod:

  1. Tanging isang hari na lamang ang darating pagkatapos ni Benedict XVI, at siya ang magiging ika-walo. At ang haring ito ang siyang magbabalik sa kalagayang hayop sa Simbahang Romano Katoliko – sapagkat sa loob ng kaniyang pamamahala ang pag-uusig sa bayan ng Dios ay muling babalik, tulad ng nangyari noong Middle Ages.
  2. Na ang ika-walong hari ay aahon mula sa"kalaliman", at sa inaasahang daan ay "patungo sa kapahamakan."

14. Ano ang kalaliman kung saan dito’y babangon ang ika-walo?

Muli, tayo ay paroroon sa Biblia upang sagutin ang mahalagang katanungang ito. Isinalin sa Griego ang salitang ‘kalaliman’ na abussos na may katumbas sa Ingles na, ‘abyss’. Ihahayag ng mga sumusunod na talata kung ano ang abussos.

“..isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon… 30 At tinanong siya ni Jesus, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya, Pulutong; sapagka't maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya. 31 At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman (abussos)33 At nagsilabas ang mga demonio sa tao, at nagsipasok sa mga baboy..” Lucas 8:27, 30, 31, 33.

Mula sa sipi sa itaas ating natuklasan na ang salitang Griegong abussos(na isinalin ng Biblia sa salitang ‘deep’ o ‘kalaliman’) ay isang tiyak na lugar (na hindi ipinaalam sa tao) kung saan pinagsarhan ang iba sa mga nagkasalang anghel. Hindi lahat ng mga nagkasalang anghel ay pinahihintulutan na maka-alis sa abussos, , lugar na hindi kaaya-aya ang kalagyan, kahit sa mga masasamang anghel. May isa na makakapaglarawan ng magulong kaingayan at ang patuloy na siksikan na nangyayari sa abussos sa kalagitnaan ng mga mapaghimagsik na masasamang anghel. Laksa-laksang mga demonio, na nagpapahirap sa isang lalaki sa kwento sa itaas, na nangatakot na ipag-utos na sila ay pumaroon sa abussos. At sila’y nagmakaawa sa Kaniya na huwag silang utusang papuntahin sa kalaliman (abussos). Lubos pa silang masaya sa pagpapahirap sa mga tao at mga hayop sa halip na makasama ang iba na kauri nila.

Upang mapaikli, ang kalaliman ay isang tiyak na lugar na nagsisilbing tirahan para sa mga masasamang anghel (diablo).

Ang kalaliman ay isang tiyak na lugar na nagsisilbing tirahan para sa ibang mga masasamang anghel (diablo).

15. Hindi ito nagbibigay ng anumang kahulugan! Papaanong manggagaling ang ika-walo sa abussos? Papaanong ang ika-walo ay magiging isang diablo?

Kung ano ang ating pinag-aaralan ay magiging mas makahulugan kung ating itutuon sa mga sumusunod na talata: "At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan."Apocalipsis 17:11. Nililinaw ng Dios ang pangwalo ay totoong isa sa mga pitong hari. Sa pagsasama-sama ng mahahalagang mga talatang ito na sa katotohanan na ang ika-walo ay magiging isang masamang anghel (diablo) galing sa kalaliman, makakapagpasimula tayong makaunawa kung ano ang malapit ng magdala sa buong mundo sa isang walang katumbas na pagkatalo.

Ang ika-walo ay isang diablo mula sa abussos na magpapanggap na isa sa 7 hari

Ang ika-walo ay isang diablo mula sa abussos na magpapanggap na isa sa pitong hari. Sa panahon na ang ika-walo ay magpakita, mabilis niyang isasaayos ang pagdating ng Simbahang Romano Katoliko palabas sa kaniyang karanasan sa ilang sa pagiging ganap na handang hayop.

Hindi mahirap na ilarawan sa isip ang inihulang madulang pagbabagong ito ng Simbahang Romano Katoliko (mula sa kaniyang kalagayan sa ilang patungo sa kalagayan ng ganap na hayop) kapag atin nang makilala ang hari (mula sa pito) na gagayahin ng diablo na babangon mula sa kalaliman.

16. Sino sa pitong papa ang gagayahin ng diablo mula sa abussos?

Mula sa pag-aaral ng Apocalipsis 13 at 17, maaari nating pagpasiyahan ang nag-iisang nagtataglay ng pinaka-personalidad sa pag-abot ng adyenda ni Satanas sa wakas ng panahon: ito ay ang Dakilang si John Paul II. Nasa ibaba ang mga dahilan:

  1. Mula sa pitong hari, siya lamang ang tanging tumupad sa inihulang pangungusap: “At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop.” Rev 13:3. Tanging si John Paul ang hari sa pito na dumanas ng sugat na ikamamatay noong taong 1981. Noong siya ay halos muntik ng mapatay. Pagkatapos noon, ang buong mundo, ayon sa pagkahula, ay nanggilalas sa hayop.
  2. Tandaan ang banal na pahiwatig: "At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating." Apocalipsis 17:10. Nang si apostol Juan ay dinala sa pangitain sa hinaharap, siya ay dinala sa panahon ng paghahari ng ika-anim na hari (si John Paul II).

    Revelation 12


  3. Ngayon ang pinakamahalagang katuwiran: Sino sa 7 hari ang pinakakilala, minahal at nirespeto sa kasalukuyang kapanahunan? Kung si Satanas ay magnanais na pangunahan ang sanlibutan sa pagpapatupad ng pangbuong sanlibutang batas para sa pagtataas ng kaniyang maling Sabbath (Linggo), Sino ang magiging mas pinaka-mabisang personalidad maliban kay John Paul II? Sino pa ang mas magiging mabisa maliban sa kaniya na nanawagan sa mga Kristiyano na “tiyakin na ang batas sibil ay gagalang sa kanilang tungkulin upang ingatang banal ang araw ng Linggo… na tumigil sa mga gawain at mga tungkulin na hindi kaangkop sa kabanalan ng Araw ng Linggo.” (Apostolic Letter, Des Domini of John Paul II, petsa Mayo 31, 1998)? Muli, walang isa man ang mas angkop upang magdala ng panukala ni Satanas maliban kay John Paul II. Sa gayon, sa pagpapanggap sa kaniya ay magiging mas mabisa para kay Satanas, na may layuning dayain ang buong sanlibutan.

Revelation of God

Walang sinuman ang mas angkop upang magdala ng panukala ni Satanas maliban kay John Paul II.

17. Papaanong ang diablo ay makakapagpanggap na John Paul II?

"At hindi katakataka; sapagka't si Satanas man ay nagkunwaring anghel ng liwanag." 2Co 11:14. Hindi ibinahagi ng Dios sa pamamagitan ng Kaniyang naisulat na Salita kung papaanong magagawa ang pagpapanggap. Kaya nga, binigyan tayo ng babala ni apostol Pablo na ang muling pagbabalik ng hayop sa mga huling araw ay magiging "ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, at may buong daya ng kalikuan" 2Th 2:9, 10. Ang mga elemento na gagamitin ni Satanas upang dayain ang buong mundo at panghawakan itong bihag sa kaniyang kasangkapan, ang Simbahang Romano Katoliko ay: (1) buong kapangyarihan, (2) mga tanda (3) kahangahangang kasinungalingan, at (4) at may buong daya ng kalikuan.

Ang panggagaya kay John Paul II ng diablo ay susundan ng iba pang pagpapanggap sa mga kilalang tao na sa kasukdulan ay ang pagpapanggap ni Satanas kay Jesu Kristo. Kaniyang ipakikita sa buong sanlibutan na tanging pinaluluguran at pinagpapala ng Dios ang Simbahang Romano Katoliko na may walang katumbas na banal na pagpapakita ng mga kababalaghan. Ipakikita ni Satanas na kinalugdan ng langit ng muling “ibalik ang buhay” ang pinakaminamahal na tao ng sanlibutan, na siya ay bumalik na may banal na panukala na magiging pangunahing gawain ng mga pinuno ng sanlibutan. At ito ay tiyak na mangyayari. Iklik dito para sa turo ng Biblia tungkol sa Kalagayan ng Patay.

Ang panggagaya kay John Paul II ng diablo ay susundan ng iba pang pagpapanggap sa mga kilalang tao na sa kasukdulan ay ang pangpapangap ni Satanas kay Jesu Kristo.

ANG PANGHULING PANAHON NG HAYOP

18. Papaanong ang panggagaya kay John Paul II ay makakapagpabago sa sanlibutan gaya ng ating nalalaman ngayon, at makaka-apekto sa walang hanggang patutunguhan ng bawat isang nabubuhay?

Inihuhula ng Biblia na magkakaroon ng pinaka madula at makasaysayang pagbabago sa sanlibutan sa panahon na muling mabawi ng Simbahang Romano Katoliko ang kaniyang katayuang hayop, kapag siya ay lumabas na sa kaniyang kalagayan sa ilang sa susunod na papa, ang ika-walong hari. Ibinibigay sa ibaba ang listahan ng mga pinaka pangunahing mga pagbabago na mangyayari, ayon sa pagkakahayag sa Salita ng ating mapagmahal na Ama sa langit:

  1. Gagamitin ni Satanas ang kapapahan (ang kapangyarihang hayop) at ang Amerika (larawan ng hayop)upang magpatupad ng kautusang pang-relihiyon na pangsanlibutan upang maitaas ang Linggo, ang pagsalang-sang nito ay mag-aalis sa mga tao ng kanilang mga pangunahing karapatan sa pagbili at pagbenta: “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinuman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.” Apocalipsis 13:16-17.
  2. Ang bayan ng Dios, na magmamatigas sa pagtanggi na parangalan ang hayop at tanggapin ang maling Sabbath, ay uusigin at papatayin: “At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.”Rev 13:15.
               Eighth King               Secret of God

Medalyang Ginto ng U.S. Congressional ay ipinagkaloob kay Pope John Paul ng taong 2000

  1. Magkakaroon ng kakayanan ang Simbahang Romano Katoliko na maipatupad sa modernong panahon na ito ang walang katumbas na kapangyarihan sa pamamagitan ng mga maling hula na gagawin sa kaniyang kalagitnaan, sa pagpapasimula sa ‘pagkabuhay’ ni John Paul II, at sa kasukdulan ng pagpapapangap ni Satanas bilang Jesu Kristo. Ang mga walang katumbas na kababalaghang ito ay aakay sa mga pangulo ng bansa upang ibaba ang kanilang mga kapangyarihan at kapamahalaan sa kapapahan, na kanilang iisipin na sa paggawa nito ay pinaluluguran nila ang Dios at tumutupad sa Kaniyang panukala: “At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.” Apocalipsis 17:12, 13. Ang papel ng mga tanda na pagkaisahin ang mga pangulo ng bansa upang maipatupag ang layunin ni Satanas ay naihayag: “At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka: Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.” Apocalipsis 16:13, 14.
  2. Magkakaroon ng madulang paglago ng mga natural na kalamidad at pagkawasak kasama ng walang katumbas na kaguluhan sa pulitika sa buong sanlibutan na ibibintang ni Satanas at ng kaniyang mga ahente bilang tanda ng di pagkalugod ng Dios sa mga tunay na nangingilin ng Sabado - sapagkat ipahahayag na ang mga tao ay sumusuway sa Dios sa pamamagitan ng pagsuway sa Linggong-sabbath; na ang kasalanang ito ang nagdala ng mga kalamidad na hindi titigil hanggang ang pangingilin ng Linggo ay mahigpit na maipatupad; at yaong mga nagpapahayag ng pag-aangkin ng ika-apat na kautusan, na sumisira sa paggalang sa araw ng Lingo, ay mga manggugulong mga tao, na pumipigil sa kanila na muling mabalik sa banal na kaluguran at kasaganahang pansanlibutan.
  3. Ang tanda ng hayop ay ipatutupad sa maselang panahong ito ng kasaysayan ng sanlibutan. Ang araw ng Sabbath ang magiging malaking subukan ng katapatan, sapagkat ito ay punto ng katotohanan na tanging pinagtatalunan. Sa panahon na ang panghuling pagsubok ay dalhin sa mga tao, kung magkagayon ang guhit ng pagkakaiba ay makikita sa pagitan ng mga naglilingkod sa Dios at ng mga hindi naglilingkod sa Kaniya. Habang ang pangingilin ng maling Sabbath, sa pagsunod sa kautusan ng estado, ay magiging isang pagtanggap ng katapatan sa kapangyarihan na laban sa Dios, ang pangingilin ng tunay na Sabbath, sa pagsunod sa kautusan ng Dios, ay isang patunay ng katapatan sa Tagapaglikha. Habang ang isang grupo, sa pamamagitan ng pagtanggap ng tanda ng pagpapasakop sa kapangyarihan ng sanlibutan, ay tatanggap ng tanda ng hayop, yaong iba na pipili ng tanda ng katapatan sa banal na awtoridad, ay tatanggap ng tatak ng Dios. Tulad sa lahat ng kapanahunan, ang Sabbath ang magiging subukan ng katapatan sa Dios – isang tanda sa pagitan Niya at ng Kaniyang mga anak. Yaong mga, pagkaraan na ang liwanag tungkol sa kautusan ng Dios ay dumating sa kanila, at nagpatuloy na sumuway at itaas ang kautusan ng tao higit sa kautusan ng Dios sa malaking krisis na ating haharapin, ay tatanggap ng tanda ng hayop.
  4. Sa kalagitnaan ng lahat na mga mangyayari, mula sa natural na kalamidad hanggang sa digmaan at alingaw-ngaw ng digmaan, magkakaroon ng hayagang tanda ng pagkagutom sa espiritwal sa kalagitnaan ng mga tao – isang uri ng pagkagutom na hindi mapapakain, sapagkat ito ay hindi nakasalalay sa isang tunay na pagnanais para sa pagsunod. Sa halip ito ay nakasalalay sa panukala ng tao na patigilin ang kunsyensiya ng walang lubos na pagpapasakop ng puso sa nagpapabanal na impluwensiya ng Dios. Sa ibang salita, kapagka bumalik na ang hayop na taglay ang mga huwad na kababalaghan at tanda makikita sa mundo ng relihiyon ang kapansin-pansing pagpapahayag ng huwad na pagkagising sa relihiyon. Ang kalagayang ito ay angkop na hinulaan ni Amos, na propeta: “ Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon. At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.” Amos 8:11, 12.

Ang Sabbath ay magiging tanda ng katapatan sa Dios – isang tanda sa pagitan Niya at ng Kaniyang mga anak.

ANO ANG AKING MAGAGAWA?

19. Ang katapusan ng lahat ng mga bagay ay malapit na. Nais kong matagpuang handa upang tanggapin ang aking Panginoong Jesu Kristo sa Kaniyang pagdating. Ano ang aking gagawin?

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang gisingin ang mga minamahal na mga mambabasa sa kaiklian ng panahon sa pagitan ngayon at ng katapusan ng lahat ng mga bagay. Ating nakita na tayo ay nabubuhay sa kapahunan ng ika-pitong hari, ang pinakahuling taong papa. Ipinaalam sa atin ng Dios, sa Kaniyang nasusulat na Salita, na ang ika-walong hari ay magpapabago ng anyo sa Simbahang Romano katoliko sa pagdadala sa kaniyang palabas sa karanasan niya sa ilang at pabalik sa dating kalagayang hayop na mang-uusig. Ang ika-walong hari, isang diablo na magpapanggap na si John Paul II, ay mangunguna sa pag-uusig sa bayan ng Dios na tumatalima sa Kaniyang araw ng Sabbath. Ang panahon ng ika-walong hari/hayop ay sasaksi hanggang ngayon sa di-nakikitang maling mga kababalaghan at mga tanda, na magtataas sa kapapahan sa paningin ng lahat na hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay: “At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.” Apocalipsis 17:8.

Sa malapit na hinaharap iyong matatagpuan na ang iyong tanging kaligtasan ay nasa Biblia: “Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang liwanag sa kanila.” Isaias 8:20. kaya nga ngayon ang Biblia ay kailangang maging ating tanging di-nagkakamaling patnubay at patakaran. Ang salita ng Dios ang nag-iisa nating sanggalang laban sa impluwensiya ng maling tagapagturo at sa mapandayang kapangyarihan ng espiritu ng kadiliman na bumabalot sa sanlibutan ngayon. Lubos na nais ni Satanas na pangunahan ang isip niyaong mga walang malay sa kaniyang impluwensiya. Kaya nga binigyan tayo ng Dios ng napakaraming mga halimbawa ng kaniyang masamang gawain, na naghahayag sa atin ng kaniyang mga lihim na mga hukbo, na naglalagay sa atin sa pagbabantay laban sa kaniyang mga pagsalakay. Kaya nga si Satanas ay naglalagay ng bawat posibleng kasangkapan upang mahadlangan ang mga tao na magkaroon ng tunay na kaalaman sa Biblia, sapagkat at mga malinaw nitong pangungusap ay naghahayag ng kaniyang mga daya. Sa bawat pag-gising ng gawain ng Dios ang prinsipe ng kasamaan ay gumigising sa mas lalong malakas na gawain; siya ngayon ay naglalagak ng kaniyang pinaka pagsisikap sa panghuling pakikipaglaban laban kay Kristo at sa Kaniyang mga taga-sunod. Ang huling dakilang daya ay malapit nang mabuksan sa ating harapan. Gagawa ang mga anti-kristo ng kaniyang kamangha-manghang mga gawa sa ating paningin. Sa gayon malapit na na ang huwad ay maging katulad ng totoo na magiging imposible na makilala sa pagitan nila maliban sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Sa kanilang mga patotoo bawat pangungusap at bawat kababalaghan ay dapat subukin.

Silang mga nagsisikap na sumunod sa lahat na kautusan ng Dios ay sasansalain at kukutyain. Upang mapagtiisan ang pagsubok na haharapin nila, kailangan nilang maunawaan ang kalooban ng Dios ayon sa inihayag sa Kaniyang salita; kanilang mapaparangalan lamang Siya kung sila ay may tamang pagkaunawa ng Kaniyang karakter, pamahalaan, at mga layunin, at gumawa ng sang-ayon sa mga ito. Walang sinuman, kundi yaong nangaghanda ng kaisipan sa katotohanan ng Biblia ang makakatayo sa panghuling labanan. Sa bawat kaluluwa ay darating ang mapanuring pagsubok: Susundin ko ba ang Dios kaysa sa tao? Ang oras ng pagpapasiya ay malapit na. Ang ating bang mga paa ay nakatayo sa batong di-natitinag na salita ng Dios? Tayo ba ay handa na tumayo sa depensa ng kautusan ng Dios at ng pananampalataya ni Jesus?

Ang pag-ibig sa’yo ng Dios ay malinaw na nakita sa paghahayag ng hinaharap upang hindi tayo madala na hindi handa dahil sa pagkabigla. Ang biyaya ni Kristo ay sapat upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan at upang mag-angkop sa iyo na makatayo sa nalalapit na labanan at nang ikaw ay matagpuang matuwid kapag Siya ay mahayag sa ikalawang pagkakataon. Ang panahong ninanais na maluwalhating katapusan ay sinusukat ngayon sa mga taon sa halip na mga dekada: “At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una. Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan. Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan. Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesu Cristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.” Roma 13:11-14.

Sa malapit na hinaharap iyong matatagpuan na ang tanging kaligtasan ay nasa Biblia.

Kung ikay ay nabigyang babala para sa iyong sarili, at kung iyong hahanapin ang Dios ng masikap, Siya ay iyong matatagpuan; ngunit di Niya tatanggapin ang di lubos na pagsisisi. Kung iyong itatakwil ang iyong mga kasalanan, Siya’y laging handang magpatawad. Hindi ka ba magpapasakop sa kaniya? Hindi ka ba titingin sa kalbaryo at magtatanong? “Ginawa ba ni Jesus ang sakripisyong ito para sa akin? Siya ba ay nagtiis ng pagpapakumbaba, kahihiyan, pangungutya, at nagdanas ng malupit na kamatayan sa krus sapagkat ninais Niya na iligtas ako mula sa paghihirap dahil sa kasalanan at sa takot ng kalungkutan, at gawing akong masaya sa Kaniyang kaharian?” Tumingin ka sa Kaniya na nasugatan dahil sa iyong mga kasalanan, at magpasiya: “Ang Panginoon ang paglilingkuran ng buhay ko. Hindi na ako makiki-isa sa Kaniyang mga kaaway; hindi ko na ipahihiram ang aking impluwensiya sa mga naghimagsik laban sa Kaniyang pamahalaan. Ang lahat na mayroon ako at ako ay lubos na maliit upang italaga sa Kaniya na umibig sa akin at naghandog ng Kaniyang buhay para sa akin - ang Kaniyang buong banal na sarili para sa isang napakamakasalanan at nagkakamali.” Humiwalay mula sa sanlibutan, maging lubos sa panig ng Panginoon, isulong ang labanan hanggang sa tarangkahan, at ikaw ay magtatagumpay ng maluwalhating mga tagumpay. Magpapasiya ka ba na sumunod sa Kaniya, sa mga oras na ito, ano man ang maging halaga ng pagsunod na ito? Magpapasiya ka ba na maibahagi ang liwanag na ito sa iba, upang tunay na ating mapadali ang ikalawang pagdating ng ating Panginoon?

Mapalad siya na sumusunod sa mga salita ng walang hanggang buhay. Na ginabayan ng “Espiritu ng Katotohanan”, siya ay maaakay sa buong katotohanan. Bagaman siya ay hindi iibigin, pararangalan, at pupurihin ng sanlibutan, ngunit siya ay magiging mahalaga sa paningin ng langit: "Masdan ninyo kung gaanong pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito." I Juan 3:1.

Ang lahat na mga talata ay hango sa Bibliyang King James Version.